Putahe Lutong Bahay A NIGHT with GREAT MOMS and DELICIOUS FOOD

Last Sunday May 13, 2012 was Mother’s Day.   Isang araw bago ito ay umuwi nga kami ng Batangas para sa alayan ng bulaklak para kay Mama Mary.   Sunday ng tanghali naunang bumalik ang aking asawang si Jolly sa Manila dahil may work pa siya.   Sa hapon naman ako umuwi.

Hindi ko sinabi sa kanya na dadaanan ko siya sa work niya para mag-dinner kami in celebration nga ng Mother’s Day.   Nung malapit na ako sa Makati, tinext niya ako na nagkayayaan sila ng kanyang mga katrabaho na mag-dinner sa labas.   At yun na nga ang nangyari, ako ang nalibre sa dinner.   hehehehe.   Ofcourse hindi ko naman nakalimutan ang flowers para sa kanya.

Sa Modern China restaurant sa Glorietta 4 sa Ayala Center sila napagpasyahang kumain.   Maganda yung place and puno talaga nung dumating kami.

Set-menu ang in-order nila.   Kilala din pala sila nung executive chef ng restaurant na yun.   Kaya naman bukod sa discount ay sinobrahan din nila yung serving ng mga dish.

Habang naghihintay ng pagkain ay may sinerve na toasted peanuts na coated with sugar at sesame seeds.   Masarap siya.  O dahil gutom lang ako…..hehehehe

Mabilis lang din at dumating na ang in-order naming pagkain.   Una dito ay ang appetizer na mix chicken, pork, crab stick at kung ano-ano pa.   Masarap siya at tamang-tama lang ang timpla.

Sunod ay ang minced chicken and corn soup.   Nagustuhan ko din ito.   Naubos ko nga ang isang bowl para sa akin.

Sa lahat ng main dish na inilapag, itong Beef with Brocolli ang nagustuhan ng lahat.   Tamang-tama ang timpla, lambot at luto sa dish na ito.

Syempre, mawawala ba ang kanin sa ating hapag.   Yang chow Fried Rice na extra loaded ang mga sahog.  Hindi nga namin ito naubos sa dami.   Thanks Chef….hehehe

Second after sa Beef ay itong Crispy Garlic Crabs.   Para sa akin ito ang the best.  Tamang-tama yung blend ng taba ng alimango at yung lasa ng toasted garlic.   Winner ito para sa akin.

Mayroon ding Shrimp tempura.   Sa akin okay lang ito.  Pero sa iba para daw hindi masyadong luto yung shrimp kaya parang may konting lansa pag kinakain na.

Yung Crispy Spareribs with Honey glazed sauce ay okay din para sa akin.   Hindi lang masyadong nag-click sa iba dahil siguro sa medyo matamis ito.

Crispy Lapu-Lapu ito in Sweet and Sour Sauce ito with toasted Garlic on top.   Hindi ko ito natikman pero ubos lahat.   Masarap siguro…naubos eh.   hehehehe

Ito ang picture ng lahat na kinain namin.   9 pala kaming lahat at ako lang ang lalaki.   May konti lang natira.

For the dessert, Buchi at Almond Jelly in mix fruits.

Yummy talaga.   Naubos ko din ang isang bowl na ito kahit busog na busog ako.   Hehehehe

Sila ang mga nakasama namin sa dinner na yun.   Hindi ko na babanggitin isa-isa at hindi ako sure sa pangalan ng iba.   baka magkamalai pa ako.   hehehehe.  Thank you sa inyong lahat.

Total bill is almost P4,000 for that set menu.   Masasabi kong sulit ang aming nakain at wala akong maipintas sa pagkain at maging sa serbisyo ng restaurant na ito.

Kung babalik pa ako?   Definitely.   Looking forward to my next busog experience.

HAPPY MOTHER’S DAY SA LAHAT NG MGA INA!!!!



Putahe Lutong Bahay BACON and MILK SPAGHETTI

Marami na din akong pasta dishes na naluto sa archive.   May pang-bahay, pang-birthday at kung ano-ano pang okasyon.   Ang maganda kasi sa pagluluto ng pasta, marami kang pwedeng sauces na pwedeng ilagay at hindi limitado sa tomato o spaghetti sauce.  

Marami kasi sa ating mga Pilipino na ganun ang pagka-alam nila sa spaghetti. Katulad ng kanin na kahit anong ulam ay pwede, ganun din ang pasta, pwede mo itong haluan ng kung ano-ano sahog at sauces.

Katulad nitong inihanda ko nitong nakaraang sponsorship namin sa alayan sa Batangas.   Para maiba naman sa panlasa ng mga taga roon, itong bacon and milk spaghetti ang inihanda ko.   Actually para siyang carbonara at yun din ang akala ng mga naka-kain.   Pero evaporated milk lang ang ginamit ko para sa sauce at toasted bacon naman para sa laman at sa extra flavor na din.

Ubos ang 3 kilos na pasta na niluto ko.   Bakit naman hindi, mga 80 katao ata ang dumagsa sa alayan ng gabing iyon.  Hehehehehe

BACON and MILK SPAGHETTI

Mga Sangkap:
1 kilo Spaghetti Pasta
300 grams Bacon cut into small pieces
2 tetra brick Alaska Evaporated Milk (yung red ang label)
5 cup Sabaw na pinaglagaan ng pasta
1 bar Cheese grated
1/4 bar Butter
2 pcs. Pork Knorr cubes
1 tsp. ground Black Pepper
1 head minced Garlic
2 large Onion chopped
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Lutuin ang spaghetti pasta according to package direction.   I-drain.   Itabi ang mga 5 tasa ng sabaw na pinaglagaan.
2.   Sa isang medyo malaking kawali, i-prito ang bacon sa butter hanggang sa pumula.   Hanguin sa isang lalagyan.
3.   Igisa ang bawang at sibuyas.
4.   Sunod na ilagay ang sabaw ng pinaglagaan ng pasta, evaporated milk, 1 cup na grated cheese at knorr cubes.   Halu-haluin.
5.   Timplahan ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa.
6.  Patayin ang apoy at ilagay sa sauce ang nilutong pasta at bacon.
7.   Haluin mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng pasta.

Ihain ang pasta na may budbod na bacon bits at grated cheese sa ibabaw.

Enjoy!!!!